Friday, May 05, 2006

...namnamin daw...

may 5, 2005. sabi ng isang panget ay tandaan ko daw ang araw na to dahil ngaun daw ang araw na naglambing xa. Naglambing nga ba xa..hahaha. cge na nga, mabait naman ako eh, kya sasabihin ko na lang na succesful ang kanyang failed attempts na maging sweet. hehehe. minsan lang to kaya sulitin na.
Ano pa nga ba nangyari..hmm...ngaun din ang araw na madali ang topic sa math 53..mejo gwapo ngaun si sir kumpara sa mga araw na halimaw xa sa paningin ko..ngaun..gargoyle lang xa..hehehe.
sa pag-uwi naman ay tinreat ko ang sarili ko, kasama ang aking bes ay tinahak namin ang sm centerpoint. matgal tagal kong di ginawa un..kaya kahit masakit na sa paa..ikot lang., maliit lang naman to eh. pagdating namin sa ikatlong palapag..nakita ko ang isang familiar face, nalanghap ko ang amoy ng isang pook na sobrang miss ko na,..at 35 pesos lang ay nakain ko ang paborito kong chickenjoy...un nga lang nasa mcdo ako..kaya..mcchicken fillet pala ang bansag don. pinlano din naming nakawin c pacman. bago umuwi ay dumaan kami sa unisilver dahil nais kong bumili ng maisisilid saking daliri, at nang nakahanap na at babayaran na ay bigla kong naicp na pwede namang magpa engrave ng pangalan sa singsing...pero..pano un...wala na akong dalang pera...buti na lang mabait ang aking bes at binayaran ang dapat na idagdag upang mailapat ang "TODZ" sa singsing.
haha, and that ring will freak somebody out...alam ko na,..wag ko na lang kaya ipakita..kaya lang..gusto kong makita ang freak out face ni panget eh..hahaha...

palagay nio...

No comments: