Saturday, May 06, 2006

...DenCio's...

Alas otso na, nagsasalita na ang maliit na tinig sa loob ng intestine ko. Pero hindi na ito marinig dahil sa tunog ng radiong pinatutogtog sa loob ng car. Isama mo na ang daldalan ng tatlong generations ng kababaihan saming pamilya. Alas otso na at nasa hiway pa rin kami.

After 15 mins., nagtanong si mama.."saan nio gusto ng kumain?, gusto mo ba sa PopEye's?" patukoy sa cousin kong bumisita mula sa probinsya..

5 mins. pa..nasa loob na kami ng Mall..wala pa ring konkretong plano kung saan kakain. Dumeretso sa 88 shop sila mama, kung saan lahat ng paninda ay 88 pesos lamang. Ako naman ay dumeretso sa tindahan ng mga silver everythings sa labas lamang ng nasabing shop. Nakakainis! mas mura pala ang mga bilihn don, mas maganda pa ang mga disenyo. Sayang ang pera...oh well..nabili naman na eh.Next time na lang...

10 mins...nakatingin sa salamin. namamangha sa mga kagamitang pang-cr na tinitinda sa isang hardware (haha, hardware ba un) sa ikaapat na palapag ng mall. Xet., malakas na ang kalam ng sikmura ko.

5 mins...sa wakas nasa Dencio's na kami, upo, order, tunganga...

15 mins...may papalapit na waiter, dala ang aming inorder. nakakasabik, ang bango, ang ganda tignan, ang sarap sa paningin. Halos matunaw na ang waiter habang papalapit samin. Pero lumihis ng landas..sa katabi pala naming table. grrrrrrrrrrrrr....tama ba un?!?

another 15 mins..dumating ulit ang same waiter..dala ang aming order...this time totoo na to. Pag lapags a table, dinampot ko agad ang isang stick ng chicken bbq. paparating pa lang ang kanin, pero d na talga kayang tiisin...dahan dahang sumilid ang aking mga ngipin sa tender meat ng chicken bbq.

5 mins...tapos na akong kumain...ang bilis ko no..hehehe...

No comments: