Sunday, May 07, 2006

...ouch...

nag mistulang reunion ang araw na to dahil sa pagdating ni Tito Boy dito. Ang tagal ko din xang di nakikita. Dati para kaming aso't pusa eh, ngaun..ganon pa rin naman. Pero mas mabait na ako, dahil may work na xa at pwede na akong humingi sa kanya ng allowance..hehehe.

Habang kumakain ng masarap na sinigang ni nanay ay napagplanohang mamasyal sa rob. manila (parang don din kami galing kagabi). Kaya't un nga ang ginawa. Bahala na ang mangyayari pagdating don. May sari sarili silang nais bilihin. Sabit lang ako, baka biglang magchibugan eh..auko namang mahuli.

Pagdating sa Rob. ay nagctunguhan na sa dapat na pagbilhan. Pero may mga kagamitang di talaga makikita don. Kaya diretso kami sa SM Manila.

Habang papasok ang sasakyan sa Parking Lot ay may narinig na animo'y nagasgas na yero..xet!. nagasgas ang bagong tsikot ni tito. Bagong bago to, wala pang isang linggo. Baguhan pa din kc c tito sa pagmamaneho. PInasilip niya sa kanyang katabi kung malaki ba ang damage..sagot neto ay. "d makita, mukhang sa gulong lang". Mejo nakahinga ng konti si tito habang naghahanap ng mapagpaparadahan.

Naku, mga 15 mins. siguro kaming paikot-ikot , naghahanap lang ng mapagpaparadahan. Nang makaraos ay isa isang bumaba kaming sakay ng brand new car ni tito. Silip agad ang ginawa..wtf!!! ang laki pala ng damage.... nayupi ang babang parte sa may left side (sori, d ako car person eh, hrap idescribe eh). Kitang kita sa mukha ni tito ang pagkadismaya.

kawawang tsikot..ouch na lang nasabi ko nang makita ang nangyari dito...

hehe...ipapamana kaya niya sakin un...

No comments: