unang post to. wala lang. so eto ang umpisa. umpisa ng everyday (as if naman) kong pagtatala ng aking mga ninanais ipamahagi sa sangkatauhan (o kahit na sino lang) .
edi go..simulan na ngaun.
ano nga ba...gusto kong ...kumain ng chickenjoy, dahil depressed ako, ang kadahilanan, hindi ko din alam eh, basta di ako masaya. Alam nio ung feeling na un, ung di ka lang talaga masaya, parang may gusto kang mangyari pero di mawari ng isipan mo kung ano un. Di ako mapakali, parang may mali, may kulang, may hindi pa ako nagagawa. Actually, madami pa talaga akong di nagagawa., dahil di pa ako naghuhugas ng plato, nagpaplantsa ng dapat plantsahin (o db, pasma abot ko mamaya), at kung ano ano pang dapat kong ginagawa bilang isang namamahay dito. Pero, tinatamad ako eh. Grabe, katamaran nga naman, laziness...capital sin ba un..alam ko hindi, pero malaking kasalanan pa rin. Madaming mga taong napapahamak dahil sa katamaran,
- mga tamad gumawa ng assignment kaya nakakatikim ng matamis na singko,
- mga tamad magluto kaya namamatay ng maaga dahil sa preservatives,
- mga tamad magehersisyo kaya di nakakahanap ng asawa dahil sa katabaan nila,
- mga tamad mag-icp kaya di umaasenso sa buhay,
- mga tamad magbanat ng buto kaya nakukulong dahil sa mga ilegal na pinagkukunan ng ikinabubuhy nila,
- mga tamad magsabi ng nararamdaman nila dahil ayaw ng commitment,o ayaw lang sagutin ang mga tanong na nakakapaso ,kaya nagpapakamatay na lang, mga taong tamad gumawa ng mabuti kaya napupunta sa eternal flame.
wow..i'm not making sense na. pero..kelan nga ba ako nagkaroon ng sense. hay, tama na nga. Ako'y tutuloy na sa aking dapat na gawin sa buhay na mas importante...
No comments:
Post a Comment