Kalimutan ka... kaya ko kaya???
Ano bang klaseng kagaguhan ‘to
Gumagawa ako ng tula para kanino?
Sa isang taong wala namang pakialam
Kahit alam na nya ang aking pakiramdam
Hindi ko man sinasadya ito
Talagang tinamaan lang ako
Ng kabalastugang tinatawag na pag-ibig
Kaya’t heto ako ngaun, parang tangang dumadaing
Matagal ko ng nararamdaman ang ganito
Ngunit nawala din naman iyon kahit paano
Subalit bakit ka nagbalik
Ngayong ako’y handa ng magmahal ulit
Siguro nga sinadya ito ng lintik na panahon
Bakit sa dinami-dami ng tao, ikaw pa yung,
Laging karamay sa mga panahong lugmok ako
Sinubukan ko uling itago at kalimutan ito
Ngunit paano kung ika’y laging nasa tabi ko
inding-hindi ako pinabayaan
Sa kasiyahan man o lubos na kagipitan
Minalas na yata talaga ako ng tuluyan
Nagising na lang ako ng minsan
Ikaw! Di na maalis dito sa isip
Para akong adik na gusto kang kapiling
High na high na nga yata ako seio
Wala akong magawa, ikaw ang sinisigaw ko
Paano ko ba ‘to babaguhin
Kay hirap mo talagang limutin
Kung pwede ka lang sapakin sa mukha
Nagawa ko na ng walang hiya
Kung di lang kita mahal
Tagal mo ng may blak-ay
Kaibigan kita kaya ‘di pwede
aibigan ko rin siya, ung taong mahal mo
Kahit masakit man
Bibigay kita sa kanya ng walang alinlangan
Ganyan kita kamahal, sana’y batid mo na
Mabasa mo sana ‘to, bago pa tuluyang mawala
Ang pagmamahal kong ito sayo…
Ngayon pang ako’y nagpasya nang…
KALIMUTAN KA ng TULUYAN
------------------------------
ninakaw ko to sa seatmate ko nung highschool, mga kalokohan nga naman ng bookkeepers, may ganitong istorya pa. hahaha...bata pa korni na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment