Sunday, October 01, 2006
...ang babaw...
ang babaw, pero umiiyak ako [oo, lumuluha ako hanggang ngayon] dahil sa manika. hindi lang kasi yun simpleng manika, bespren ko yon. Sobrang attached ako don dahil mula pagkabata sakin na yon, bawat luhang iniyak ko alam non kung ano ang dahilan, bawat kilig, bawat galit, alam non dahil pag malungkot ako siya ang kayakap ko, pag masaya ako siya ang kaharutan ko, pag galit siya ang kausap ko. manika lang siya, pero sobrang mahalaga siya sakin. nung bata ako, ayaw na ayaw kong nilalabahan yon, umiiyak ako. binabantayan ko yon habang nakasampay, hinihintay na matuyo, para makasama na ulit. hindi ako nakakatulog ng wala yon, or atleast hindi kumpleto ang tulog ko. Give me a bad day...kahit pa gano kapanget ang araw ko...mahawakan ko lang yon, mayakap, mahalikan, solb na ako. ok na ako ulit. I'm not exagerating, ganon talaga siya kahalaga sakin. Kaya sobrang lungkot ko ngayon. Sobrang takot na mawala siya, xit..di ko talaga kaya...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment