ye ey...may ilaw na! after a day of doing unconsequential things ay balik na sa paggawa ng mas walang kwentang mga bagay. ano nga bang ginawa ko kahapon..hmm...
- gitara; tama, ako ang dahilan bakit bumabagyo kahapon
- txt; wahaha, full bar ako kahapon...ang dami kong signal, pero dalawa lang ata o tatlo ang katxt ko, kahit nagkakaubusan na ng sasabihin txt pa rin para lang may magawa.
- soundtrip; mabuti't fully charged din ang mp3 player ko kaya nakakapagsoundtrip pa ako habang nanonood ng pangyayari sa labas
- sine; masaya palang manood ng mga nililipad na yero, puno, plastik, poste, bahay, kalabaw, baka, aso, pusa..at kung ano ano pa..
- tulog; hindi naman tulog talaga, hilata lang, muni muni, awaiting the coming of the ilaw [wtf?!?]
- aral; whoa!!..tama, naisipan kong buksan ang aking libro kahapon, iba na talga pag walang magwa.
- makipaglandian; sa lamig ng panahon kahapon, hindi ko maiwasang makipaglandian sa mga stuff toys ko [auko sa mga doggies namin, ambaho eh, basa kasi]
- atbp; mga classics..nakadungaw sa bintana, nag-aabang ng gwapo sabay sigaw ng "psst pogi!", sabay tago..hehehe. o kaya naman maglock sa kwartong madilim at takutin ang sarili, o kaya kumanta ng kung ano anong kanta tulad ng dayang dayang, da coconut nut, lupang hinirang, butsikik at my heart will go on..
ang onti pala. walang ligo ligo at kain kain dahil di naman talaga ako naligo at kumain kahapon, wala kasing ganang mabuhay...hehehe. ang korni. sana wag munang maulit ang ganong pangyayari.
No comments:
Post a Comment