Wednesday, May 31, 2006

...not passing...


naaalala mo pa ba
nung tayo'y magkasama pa
iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na xa
ngayong ika'y naglaho na
muling sumama sa kanya
sa aking puso ay ikaw pa rin,..ikaw pa rin
ito ang paulit ulit na binubulong sakin ng earphones ko habang naghihintay ng grade sa math 53....grrr...super tagal talaga ni wemer...ubos na battery ng cp ko, pati na ang mp3..wala pa akong makausap...kc naman ang tagal nila joelle at mayee
after about 2 hours of waiting, dumating na nga si wemer, nilatag sa sahig ang amig mga test results..ang dalawang natitirang long exams at ang finals, icheck daw namin....
kabog kabog...sabi ng heart ko...hehehe...ano kaya ang nakuha ko..
23....ang dalawang long exam...xempre raw score lang pala yon...hehehe. so ang katumbas neto ay 46%...takte...babagsak pa ata ako ah. ang finals...45/80...56.75 ang katumbas...hawak ang scical...pindot pindot..natataranta...bakit ganon...kulang ang grade ko...di aabot ng 60...
sa panahong ito, wala nang bat ang aking cp, kaya d ko na makontak sila joelle...na sa palagay ko ay wla nang balak dumating. ang tagal bumalik ni sir...tatanongin ko kung kelan ang removals..sigurado na ako..kwatro ako.
after like forever eh dumating si sir...d ko alam pano sasabihin sa kanya..pianbayaan ko na ang aking kaklase na kulitin xa. maya maya sabi niya ipiprint na niya...
by this time naiirita na ako..gusto ko na lang mlaman kung kelan ang removals..takte...mag-aaral na naman.
lumabas si sir...hawak ang mahiwagang papel...nilalagyan niya ng tape ang likod..sabay idinikit sa pader...ay suyot pa..sabi ni sir sa sarili "ay bobo!"...hahaha
makikita sa papel na ito ang student number at sa right side naman ay ang average (1,2,2.5, etc.) at kitang kita ang ganitong marka:
NOT PASSING
takte...ang daming hindi passing...grrr...opkorz alam kong isa na ako don...pero cge..siksik lang..tignan ang kinahinatnan ng marka...59.92....wtf?!?...pero ang katabi nito ay not passing...napaicp icp ako...binigyan niya kc ako ng 3% bonus...ang bait niya...pero...not passing pa rin...ano ba?!?
pagpasok sa silid ni sir...di alam pano sasabihin na ipasa na lang ako...hehehe...tinanong ko lang xa kung kelan ang removals....at tinignan nga niya ang aking marka...sabi niya...
"ay hindi! itetres na kita, di naman ako gano kasadista"
whew!...sarap non...ang sarap ng tres..hahaha

1 comment:

Anonymous said...

Great site loved it alot, will come back and visit again.
»